Booktopia is proud to introduce five books by newcomer Fox Literary House, Inc. Fox is made up of young writers and editors who want to make their own brand of quality literary work accessible to Filipinos. Sarah G., editor of Fox, dropped off samples of their books at the store last week with a letter introducing their books and their company. Of course, I had to look at the books right away. There is something very exciting about reading a new book that I know was written by a Filipino. I feel this way because there are so few local writers and publishers and I know that when a book gets published and is in my hands ready to be passed on to your hands, this is done against overwhelming odds with heaps of hope and enthusiasm. I wrote back and this is what I told Sarah G. –
My first impression of your books was that they were physically well-made. They looked and felt better in my hands than most local publications, although they are digest-type books so the covers tend to curl after several readings. The cover designs got my attention. The types/genres are interesting too. Just by looking at the books and reading the titles, I wanted to open and read them. I also think they are competitively priced. I just finished Palalim Nang Palalim and I liked it. (A good number of stories were actually creepy.) I started reading the Batjay book, which I also enjoyed, but I decided to pass it on to a friend I think will really enjoy it. (I particularly like the titles he puts on every page and sometimes it’s almost a game to relate the title to what’s on the page.) I look forward to reading the rest of your books.
The books are written by Filipinos and are mostly written in Filipino.
Sarah G. also adds in her letter that Fox authors are mostly writers and teachers from UP, Ateneo, and UST. Many have attended prestigious writers workshops and won literary awards.

Palalim Nang Palalim Padilim Nang Padilim
ni Beverly Siy (Ed.)
Mula sa tradisyon ng mga obra ni Gerardo de Leon, narito sa libro ang mahigit sa dalawampung maiikling kuwento ng kababalaghan at katatakutan. Sinulat upang ibahagi ang mga nakakahindik na pangyayari sa iba’t ibang uri ng sasakyan, sari-saring okasyon, at lunan, at ang mas malalim na usapin sa karahasan na madalas ay hindi pinag-uusapan.

Where Your Dreams Come True
ni Anna Ishikawa
Friend, huwag kang maniwala. Hindi totoong puro kalokohan ang laman ng utak ko. Gaya mo, punung-puno rin ito ng mga pangarap. Ako si Emily, simpleng dalaga, simple lang ang gusto. Ang makilala ang misteryosong lalaking napanaginipan. Yun lang naman.
Kaso, masyado akong busy sa pagse-xerox, pagfa-fax, pag-e-encode, pag-e-encrypt, pagtitimpla ng kape, pagtse-check ng appointments, pagse-xerox uli, at pagiging beautiful assistant ng may-ari ng isang travel agency para maghanap ng boys. Lalo pang dumami ang trabaho nang dumating itong bagong manager, na pogi nga, super antipatiko naman. Bagay sila ng maldita niyang girlfriend.

Dagta: Antolohiya ng Erotika
ni J. Luis Camacho (Ed.)
Iba’t ibang bagong tinig sa genre na erotika ang maririnig sa Dagta: Antolohiya ng Erotika – nakakalibog (dapat lang), nakakahindik, nakakakilig, nakakapagpa-isip, at sa maniwala man kayo o hindi, nakakatawa. Ang pantasya ng mga personang nagsisimula pa lamang diskubrihin ang mundo ng libog (at pag-ibig) ay nakakarating sa bagong mundo di lang ng laman-sa-lamang ugnayan kundi ng di maiwawaksing aspekto ng buhay nating mga Filipino ngayon. Nariyan lang sa kabilang kanto ang bagong kuwentong-libog at kuwentong-pag-ibig. Sa totoo lang, narito sa librong hawak ninyo ngayon.

Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig
ni Nicanor David, Jr.
Ito ang naratibo ni Unkyel Batjay. Alanganing tula-essay-kwento ang mga akda. Mas malapit ito sa biographical creative nonfiction. Alanganin ang lumbay at himutok, na dinaan na lamang sa biro. Sa mga lumbay at biro naroon ang kaluluwa ng naratibo, ng pambansang naratibo. Kilala natin si Unkyel Batjay. Mahal natin siya. Ang kaniyang betlog ay sa atin rin. Ang kaniyang kulangot ay duming di natin naaamoy. Kung siya ay tayo rin, mahalaga nga ang kaniyang istorya. - Jun Cruz Reyes

Tres Amores
ni Layeta Bucoy, Ardee Sto. Domingo, Beverly Siy
Tatlong kuwento ng pag-ibig na tiyak na makapagbibigay ng kilig!
In Love kay Saddam
Si Isabella ay isang misunderstood na high school sophomore. “Saddam” ang tawag sa kaniya dahil sa mala-diktador na paraan niya sa pakikitungo sa mga kaklase. Lahat ay inis sa kaniya maliban sa isa, si Ziegler, ang romantikong binatang handang suungin ang kahit anong baha, makasukob lamang siya sas payong! Pero paano kung hindi tanggapin ang pag-ibig ni Ziegler, at tuluyan na siyang sirain ni Saddam?
Hambog na Pag-ibig
Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, nagkatagpong muli ang magkababatang sina Sofia at James. Ngunit, sa pagkikita nila, agad na bumalik ang mga alaala ng lungkot at pighati: nagkahiyaan, nagkatampuhan, nagkunwari na lang na hindi magkakilala. Magkabati pa ba ang dalawa, o mananatiling limot ang masasayang alaala?
Express Makati
Kumplikado ang kani-kaniyang buhay nina Charisma at Russel: may boyfriend at anak na si Charisma habang hirap naman sa commitment si Russel. Pero what if magkasundong magkita ang dalawa? Isang araw lang. May mabubuo bang pag-iibigan o maglalaho ba ito sabay ng paglubog ng araw?